6 arestado sa droga sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 05:05 AM

RIZAL—Arestado ang 6 na lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Antipolo City, Rizal nitong Miyerkoles.

Unang nahuli ang 3 lalaki sa isang drug session sa Barangay Mambugan.

Target ng operasyon ay si alyas Ogie na umano'y supplier ng shabu sa lugar. Nasamsam sa kaniya ang nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu.

Depensa ni Ogie, naengganyo siyang magtulak dahil mabilis dito kumita ng pera.

Samantala, timbog ang 3 lalaki sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay San Isidro, Dalig at Cupang.

Ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan ng Antipolo City police, mga opisyal ng barangay ang nagpahuli sa mga suspek.

Sasampahan ang mga hinuli ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.