3 patay matapos umanong makipagbarilan sa pulisya sa Abra

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 01:45 PM

Patay ang 3 lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Bangued, Abra nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, naharang ang 3 lalaki sa checkpoint at biglang nagpaputok ang mga ito.

Agad namang bumawi ang mga pulis at nabaril ang tatlo.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga lalaki. Hinala ng mga pulis ay mga gun for hire ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.