PatrolPH

11 tiklo sa Tondo buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 05:50 AM

MAYNILA—Timbog ang 11 katao sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila Martes ng hapon.

Ayon kay Police Capt. Elvin John Tio ng Manila Police District (MPD) Station 2, ikinasa ang operasyon sa isang bahay ng itinuturing umanong one-stop shop ng droga sa 932 San Antonio St., Barangay 13.

Nagpositibo ang transaksiyon matapos makabili ang nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu mula sa 2 target ng operasyon.

Naabutan naman ang 9 na indibidwal na sangkot din umano sa ilegal na gawain.

Nakuha sa kanila ang nasa 13 sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at higit sa P20,000 na umano'y kita sa pagtutulak.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.