Top 3 sa drug watch list, timbog sa buy-bust sa Laguna

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 01:23 AM | Updated as of Jul 11 2018 03:36 AM

SAN PABLO CITY - Arestado sa isang buy-bust operation ang ikatlo sa drug watchlist ng San Pablo City Police nitong Lunes.

Kumagat sa ikinasang operasyon ang suspek na kinilalang si Ritchie Celerio.

Ayon sa pulisya, positibo silang nakabili ng ilegal na droga kay Celerio sa operasyon sa Barangay San Lucas.

Nakakuha mula sa suspek ng apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, responsable umano si Celerio sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

May nakuha rin umanong isang baril mula kay Celerio.

Bukod sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs, nahaharap rin si Celerio sa kasong illegal possession of firearms.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.