SAPUL SA CCTV: Hit-and-run sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 07:12 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Video mula kay Adelle Grace Montesorri

SANTA ANA, Pampanga - Binangga ng isang AUV ang isang nakaparadang traysikel sa bayang ito nitong Linggo.

Nakuhanan sa CCTV ang insidente sa Barangay San Joaquin, kung saan patuloy sa pagtakbo ang AUV.

Nagtamo ng kaunting sugat ang drayber ng traysikel na si Carlos Culala, 73-anyos.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Land Transportation Office (LTO) upang matukoy ang drayber ng AUV at mapanagot ito.

Makikita sa video na nag-aayos ng trapal si Culala dahil umuulan.

Laking gulat niya nang biglang banggain sa likuran ng isang AUV.

Tinangka pang habulin ng ilang nakakitang tricycle driver ang AUV, pero patuloy ito sa pagtakbo. - ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.