MPD detainee na dinala sa ospital, nakatakas

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 01:56 PM | Updated as of Jul 11 2018 09:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakatakas ang isang detainee ng Manila Police District nitong madaling araw ng Miyerkoles matapos dalhin sa ospital.

Ayon kay Supt. Magno Manuel, tagapagsalita ng Manila police, nagreklamo ng paninikip ng dibdib ang detainee na si Armand Arroyo.

Isinugod siya sa Ospital ng Maynila dahil may kasaysayan umano ito ng sakit sa puso. 

Pero nang bumuti umano ang pakiramdam ni Arroyo sa ospital, nagpaalam itong pupunta sa banyo.

Sa maliit na bintana sa banyo tumakas ang suspek na may kaso kaugnay ang ilegal na droga. 

Sinibak sa puwesto ang station commander at jail officers ng Manila Police District Station 9 habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Hinahanap na rin ang suspek. 

-- May ulat nina Raya Capulong at Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.