'Mga batang manggagawa, lapitin ng disgrasya, sakit'

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 12:51 AM | Updated as of Mar 20 2019 04:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Mas vulnerable sa aksidente ang mga manggagawang may edad 15 hanggang 24 anyos, ayon kay International Labour Organization (ILO).

Lumalabas sa pag-aaral ng ILO na ang mga manggagawang iyon ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng non-fatal injuries.

"Part of the problem is simply a lack of training, lack of experience and an inability to appreciate and assess the hazards to which they may be confronted at the workplace," ani Nicholas Levintow, chief technical advisor ng proyektong [email protected] ng ILO.

Sa datos ng ILO, nasa 541 milyong manggagawa sa buong mundo ang nasa edad 15 hanggang 24. Katumbas ito ng 15 porsiyento ng lakas paggawa sa buong mundo.

Ayon naman sa Department of Labor and Employment (DOLE), dahil sa kakulangan ng impormasyon at pagsasanay sa mga manggagawang nasa edad 15 hanggang 30 anyos, hindi lang sila lapitin sa aksidente kundi maging sa sakit.

Ayon kay Tess Coqueco ng Bureau of Working Conditions ng DOLE, mahalaga ang occupational safety and health training para sa mga batang empleyado.

Ayon pa sa ILO, dapat may listahan ng mga hazardous work o trabahong malapit sa peligro, na maaaring pagbasehan ng mga batang papasok sa trabaho.

--Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.