'Marijuana Queen' umano, huli sa Cebu City

Joworski Alipon, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 11:42 AM

CEBU CITY -- Naaresto ang umano'y "Marijuana Queen" sa lungsod na ito na nahulihan pa ng 4 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P500,000, ayon sa mga awtoridad.

Nahuli ang suspek sa isang buy-bust sa Barangay Tejero, ayon sa mga pulis.

Nasa 4 na taon nang nagbebenta ng ilegal na droga ang suspek sa mga estudyante at mga manggagawa sa lugar, sabi ni Chief Inspector Ma. Theresa Macatangay, station commander ng Cebu City Police Station 2.

Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.