Canopy ng warehouse bumagsak sa 3 sasakyan dahil sa lindol

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 01:55 PM

Wala namang nasugatan nang mabagsakan ng steel truss canopy ng isang warehouse ang isa sa tatlong sasakyan matapos ang naganap na lindol. Larawan mula kay Guia Batac.


BUTUAN CITY – Dalawang tricycle at isang multicab ang nabagsakan ng steel truss canopy ng isang warehouse matapos ang lindol na naganap Miyerkoles ng madaling araw.

Nakaparada lamang ang mga sasakyan sa labas ng E.Y. Warehouse sa Nueva Street sa lungsod na ito nang bumagsak ang canopy.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Surigao del Norte alas-12:24 ng madaling araw.

Sa tala ng Phivolcs, ang sentro ng lindol ay nasa 5 kilometro southwest ng San Francisco (Anao-aon), Surigao del Norte.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Surigao City.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 8 kilometro.

Martes din ng hapon nang yanigin ng magnitude 4.7 na lindol ang nasabing lugar.

Patuloy ang assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Surigao del Norte sa mga posibleng pinsala ng lindol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.