Bangkay ng 2 batang nalunod sa Cebu, natagpuan na

Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 09:13 AM | Updated as of Jul 11 2018 04:34 PM

MINGLANILLA, Cebu - Natagpuan na ng awtoridad ang dalawang batang una nang naiulat na nawawala matapos maligo sa dagat, Martes ng hapon sa bayang ito.

Miyerkoles ng tanghali nang magkahiwalay na lumutang ang bangkay nina Johnray Catarena, 10 taong gulang, at Sepred Sagadsad, 6 taong gulang.

Ayon sa kanilang kaanak, alam nilang nasa eskuwela ang dalawa kaya nagtataka sila kung bakit napunta ang dalawa sa dagat sa Barangay Calajoan.

Pero may nakakita umanong mga residente sa mga bata na naliligo sa dagat.

Ligtas namang nakauwi ang dalawa pang batang kasama ng mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.