2 sekyu, patay nang magbarilan sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 07:19 AM

CEBU CITY - Patay ang 2 guwardiya matapos magbarilan sa loob ng isang isinarang convenience store sa Barangay Mabolo, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Juniper Teniano at Anjen Lagmay.

Personal grudge ang tinitingnan nilang motibo sa insidente, ayon kay Senior Insp. Dindo Alaras, hepe ng Mabolo Police Station.

Nakuha sa crime scene ang 2 baril. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. -- ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.