Utility worker, patay sa pamamaril

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 06:06 PM

Patay si Richard Ballesteros, 36, matapos magtamo ng 13 tama ng bala sa isang pamamaril sa Isabela, Lunes ng umaga. Photo courtesy of Philippine National Police-Quirino.

Patay ang isang utility worker matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa bayan ng Quirino, Isabela nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Richard Ballesteros, 36, na nagtamo ng 13 tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan na kanyang agad ikinamatay.

Matapos umanong maglinis si Richard, umupo ito saglit sa isang kainan nang bigla itong pagbabarilin ng lalaking sakay ng itim na SUV.

Ayon sa misis ni Richard, may naikwento raw ang mister na tila minamanmanan ito.

Pagkakasangkot sa ilegal na droga ang tinitignang anggulo ng pulisya.

Dagdag nito, sumuko si Ballesteros sa Oplan Tokhang noong nakaraang taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.