Tanod, patay sa pamamaril sa Las Piñas

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2017 12:31 AM

Isang barangay tanod ang napatay sa pamamaril ng mga "riding-in-tandem" sa TS Cruz Subdivision, Almanza II, Las Piñas City.

Idineklarang dead on arrival ang biktima na kinilalang si Dindo Acompanado.

Ayon sa imbestigasyon ng Las Piñas police, pinagbabaril ang biktima gamit ang .45-kalibreng baril ng apat na lalaking nasakay sa dalawang motorsiklo.

Sinusuri pa ng mga pulis ang kuha ng pangyayari sa CCTV upang matukoy ang mga suspek at malaman ang motibo ng pagpatay sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.