Suspek sa pagtutulak ng shabu, timbog sa Surigao

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 04:59 PM

SURIGAO CITY - Arestado ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa isang paupahang bahay dito sa siyudad, Lunes.

Nakuha mula sa suspek na si Karl Pontevedra Balo ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, pati na rin ang P1,000 na marked money.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang nasa 25 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng kabuuang P295,000 ang nakumpiska mula sa suspek.

Nagpositibo rin si Balo ng isailalim sa drug test.

Nahaharap sa kasong Selling and Possession of Illegal Drugs ang suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.