Babaeng bumibili lang ng gamot, pinagbabaril sa QC

Bianca Dava, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 09:00 AM | Updated as of Jul 11 2017 09:18 AM

Photo by Bianca Dava, ABS-CBN News

MAYNILA - Kritikal ang kondisyon ng isang babaeng pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa isang botika sa Barangay Commonwealth, Quezon City Lunes ng gabi.

Ayon sa nakakitang pharmacist, bandang alas-9:00 ng gabi nang lapitan ng lalaking naka-jacket at helmet ang biktimang bumibili lamang ng gamot.

Ilang sandali pa, kuwento ng saksi, bumunot na ng baril ang lalaki at agad pinaputukan ang babae bago lumakad nang mabilis palayo sa botika.

Agad namang naisugod sa ospital ang biktimang tinatayang nasa 50 taong gulang. Kasalukuyan itong nasa kritikal na kondisyon at patuloy na minomonitor ng mga doktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.