53 tiklo sa unang araw ng 'Project Janitor Fish' ng Laguna police

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 03:36 PM

MANILA - Nalambat ng Laguna police Lunes ang 53 most wanted person sa unang araw ng kanilang pinakabagong programa laban sa krimen na tinaguriang "Project Janitor Fish." 

Kabilang sa mga sabayang sinilbihan ng arrest warrant sa ilalim ng proyekto ang ikatlong most wanted sa bayan ng Cabuyao; ika-4 sa San Pedro; ika-9 at 10 sa Calamba; at ika-10 sa Sta. Rosa. 

Iniharap ang mga suspek sa media kasabay ng pagpresenta ng pulisya sa layunin ng Project Janitor Fish sa Kampo Heneral Paciano Rizal sa Sta. Cruz, Laguna. 

Ibinatay ang konsepto ng proyekto sa janitor fish, na pinaniniwalaang naglilinis ng mga dumi sa aquarium.

Layon ng protekto na agarang makapag-isyu ng mga warrant of arrest at malinis ang isang lugar sa mga kriminal na nagkakanlong dito. 

Tugon din ang kampanya sa mga reklamo ukol sa mabagal na pag-aksyon ng korte at kapulisan partikular sa pag-aresto sa mga suspek. -- Ulat ni Ronilo Dagos 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.