Retrato mula sa Banaue police
Dagsa ang tulong na dumadating sa Banaue, Ifugao matapos itong masalanta ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa noong Huwebes.
Bottled water, pagkain at iba pang pangangailangan ang hatid ng ilang pribadong grupo, institusyon at organisasyon sa bayan.
Nakatanggap naman ang mga pulis-Banaue — na tumutulong sa clearing operation — ng mga pala, gloves at kapote mula sa isang unibersidad sa Nueva Vizcaya.
Nagbigay din ng food packs at ready-to-eat meals ang Angat Buhay Foundation sa pamamagitan partner volunteer group na Isabela-Quirino Development Council, katuwang ang 54th Infantry Magilas Battalion ng Philippine Army.
Binaha at nakaranas ng landslide ang Banaue noong Huwebes kasunod ng malakas na buhos ng ulan.
Isinailalim na rin sa state of calamity ang bayan para magamit ang pondo sa rehabilitasyon at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente.
— Ulat ni Harris Julio
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.