Pulis patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 10:51 AM

Patay ang isang pulis matapos barilin ng riding-in-tandem sa Barangay Uno, Siaton, Negros Oriental Huwebes ng gabi.

Sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktimang si Police Staff Sergeant Bobster Guillarawan nang pagbabarilin ng mga salarin.

Si Guillarawan ay kasapi ng First Provincial Mobile Force Company na nakabase sa Barangay Napacao sa nasabing bayan.

Nadala pa sa ospital ang biktima pero idineklara na siyang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakilanlan ng mga salarin at motibo na rin sa pamamaslang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.