PNPA naka-half mast sa pagkamatay ng kadete sa heatstroke

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 10:20 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Ikinalungkot ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang pagkamatay ng isa sa kanilang kadete dahil sa heatstroke.

“Yung PNPA family natin was deeply saddened dito sa untimely demise ng ating kapatid na si 4th Class [Kenneth Ross] Alvarado that was the other day. We are now in half mast, masakit sa pamunuan ng ating PNPA because of this incident,” pahayag ni Lt. Col. Byron Allatog, tagapagsalita ng PNPA.

Miyerkoles nang biglang mag-collapse si Alvarado habang nasa formation. Agad naman siyang nadala sa ospital kung saan siya namatay.

Sabi ni Allatog, patuloy na gumagawa ng hakbang ang PNPA tulad ng pag-aadjust nito ng kanilang measures sa new cadet program kung saan ang bawat kadete ay may bitbit na ring canteen ng tubig kahit saan sila magpunta.

“From the health service, meron tayong ibinigay ng health authorities na hydrite mini-mix nila sa tubig na palagi nilang iniinom to supplement the loss of fluid in the course of their training,” sabi ni Allatog.

Ang mga labi ng 20-anyos na si Alvarado ay nasa kaniyang pamilya na sa Sta. Rosa, Laguna.

Si Alvarado ay bahagi ng 306 na kasalukuyang kadete ng PNPA.