ABS-CBN celebs, supporters kinalampag ang Kamara bago ang franchise vote

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 02:21 PM

MAYNILA — Sanib-puwersa ang ilang artista ng ABS-CBN, iba't ibang grupo, empleyado, at mga simpleng tagasuporta ng Kapamilya network para kalampagin ang Kamara ngayong Biyernes bago ang inaasahang pagboto nito sa prangkisa ng kompanya.

Ginanap ang caravan mula sa opisina ng ABS-CBN sa Mother Ignacia at nakilahok ang mga ito patungo sa labas ng tanggapan ng Batasan Pambansa.

Doon ay nagkaroon ng maikling programa, at kabilang sa mga sumama ay sina Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, Nikki Valdez, Angel Locsin, at iba pa.

Kasama rin nila ang Makabayan bloc ng kamara na sina Representatives France Castro, Arlene Brosas, at Eufemia Cullamat.

Boboto ang mga miyembro ng House committee on legislative franchises ano mang oras kung saan dedesisyunan nila kung makababalik pa ba sa ere ang ABS-CBN.

Tinatayang higit 11,000 manggagawa ang posibleng maapektuhan sakaling magsara ang ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.