4 patay sa pamamaril sa Cotabato

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 10:49 AM | Updated as of Jul 13 2020 11:35 AM

Sa gilid ng kalsada napahinto ang sasakyan ng apat na biktimang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa Cotabato. Arianne Apatan, ABS-CBN News

Patay ang apat na katao sa pamamaril na naganap sa Barangay Tubon, Pigcawayan sa Cotabato, Biyernes ng umaga.

Ayon sa pulisya, sakay ng isang pulang behikulo ang mga biktima na patungong Cotabato City.

Nakabuntot umano sa kanila ang sasakyan ng mga salarin at biglang pinagbabaril hanggang sa mapunta sa gilid ng kalsada ang kanilang behikulo.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.