PatrolPH

Binatilyo patay nang masagasaan ng van sa Negros Occidental

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 12:24 AM

KABANKALAN CITY, Negros Occidental—Patay ang isang 14 anyos na lalaki matapos masagasaan ng van sa highway sa Barangay Binicuil sa lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas-7 Linggo ng gabi nang mangyari ang insidente. Tumatawid ang biktima nang mabangga ng van.

Isinugod pa sa ospital ang biktima, pero hindi na ito nakaligtas.

Ayon sa pulisya, hinihintay pa nila ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso laban sa drayber.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.