2 'pekeng seafarer' hinarang sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 11:11 AM | Updated as of Jul 10 2019 11:22 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hinarang sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang 2 seaman na nagtangka umanong lumabas sa bansa, ayon sa Bureau of Immigration.

Ayon kay Immigration Ports Division chief Grifton Medina, pasakay na sana ng Cathay Pacific flight patungong Hong Kong at Dubai nang matuklasang peke ang isinumiteng dokumento ng 2 lalaki.

Kabilang umano sa mga pineke ang overseas employment certificate, seaman's book at letters of guarantee mula sa kanilang shipping agent.

Umamin umano ang 2 na nagbayad sila ng P5,000 para sa mga dokumento.

Nasa kustodiya na ngayon ng inter-agency council against trafficking ang 2 para isailalim sa imbestigasyon.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.