UPCAT online application, sinimulan na

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2018 09:36 PM

Binuksan na ng University of the Philippines (UP) ang online application para sa mga nais kumuha ng entrance exam sa nasabing unibersidad.

Nakatakdang ganapin ang UP College Admission Test (UPCAT) sa Setyembre 15 at 16 sa buong bansa.

Narito ang deadline ng aplikasyon para sa UPCAT:

• Hulyo 27 – Metro Manila Private Schools
• Agosto 3 – Metro Manila Public Schools
• Agosto 10 – Regional Private and Public Schools

"Applications received after the August 10 deadline will be processed only if test permits are still available," saad sa website ng UP.

(Ipoproseso lang ang mga aplikasyong natanggap matapos ang deadline sa Agosto 10 kung mayroon pang available na test permits.)

Itinatag ang UP noong 1908 at mayroong itong 15 campus sa buong bansa.

Idineklarang pambansang unibersidad ang UP noong 2008.

Kabilang sa mga nakapagtapos sa naturang pamantasan ang 30 pambansang siyentipiko, 34 na pambansang alagad ng sining, 7 presidente, at 12 punong mahistrado ng Korte Suprema.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.