Retiradong pulis binaril umano ng kinakasama dahil sa selos

Barbara Mijares, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2018 06:09 PM

TOBOSO, Negros Occidental - Sugatan ang isang retiradong pulis matapos barilin ng kaniyang kinakasama Lunes ng umaga sa bayang ito.

Base sa imbestigasyon, naliligo ang biktimang si retired SPO2 Leonilo Garcia sa banyo ng kanilang bahay nang barilin ng kaniyang 52-anyos na kinakasama.

Nagtamo ng sugat sa kaniyang hita si Garcia at agad na nakatakbo palayo. 

Binaril rin ng kinakasama ni Garcia ang kaniyang sarili sa dibdib. Isinugod siya sa ospital at kasalukuyang ginagamot.

Ayon sa pulisya, selos ang tinitingnan nilang anggulo sa nangyaring insidente.

Isang homemade Llama pistol ang nakuha sa crime scene.

Hinihintay pa ng pulisya ang pormal na reklamong ihahain ni Garcia laban sa kaniyang kinakasama.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.