2 patay sa Rizal buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2018 06:09 AM

MAYNILA - Patay ang 2 hinihinalang tulak sa isang buy-bust operation sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal Martes ng madaling-araw.

Inaalam pa ng mga pulis ang kanilang pagkakakilanlan.

Nakuha sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000 at 2 kalibre .38 na baril.

Ayon sa pulisya, nakatakas umano ang 2 suspek sa ikinasang raid noong Mayo sa Cainta, Rizal. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.