Traffic enforcer, arestado sa iligal na droga sa Maynila

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 02:38 AM

MANILA - Isang traffic enforcer ang kalaboso matapos mahuling gumagamit ng iligal na droga Lunes ng gabi sa San Andres Bukid, Maynila.

Kinilala ang suspek Johnnie del Castillo, 53-anyos at residente ng Malibay, Pasay.

Ayon sa Santa Ana police, nakatanggap sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen ukol sa nagaganap na sesyon umano ng droga sa isang bahay sa Radium Street.

Naaktuhan sa paghithit ng shabu si Del Castillo at nakasuot pa ng uniporme ng Pasay Traffic and Parking Management ng puntahan ng mga pulis ang lugar.

Narekober kay Del Castillo ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act ang suspek. - DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.