HULI SA CCTV: Kotse ng reporter tinangay sa Pasay

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2017 09:18 AM

MAYNILA - Sapul sa CCTV ang pagtangay ng kotse ng isang radio reporter sa Taft Avenue sakop ng Barangay 97 sa Pasay City Linggo ng gabi.

Ayon kay Jojo Sicat, pinarada muna niya sa isang parking space ang kanyang kotse dahil susunduin niya ang kanyang mag-ina sa MRT station.

Kumain muna aniya sila ng kanyang pamilya bago bumalik sa Taft Avenue. Dito na niya nadiskubre na wala na ang kanyang ipinaradang kotse.

Isang 1995 model at segunda mano ang kotse na nabili ni Sicat nitong nakaraang taon. Luma man aniya ang kotse, ito ang kanyang naaasahan sa trabaho.

"Di ko in-expect na kahit luma pala ang sasakyan pag-iinteresan pa rin. Kahit sabihin mong luma pinaghirapan ko yun," sabi ng radio reporter.

Payo naman ng mga awtoridad, tiyaking ligtas ang lugar na pagpaparadahan ng kotse at tiyaking naka-lock ang lahat ng pinto at bintana bago umalis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.