'Bagong-luma' ang konseptong napili ni teacher Jyrswyn Del Rosario ng Tito R. Espinosa Memorial National Agricultural School sa Claveria, Masbate para sa kanilang silid-aralan na tinawag na "classhome." Larawan mula kay Jyrswyn Del Rosario
Ibinida ng isang paaralan sa Masbate ang kakaibang mala-vintage na tema ng kanilang silid-aralan.
Ayon kay Jyrswyn Del Rosario, guro sa Tito R. Espinosa Memorial National Agricultural School sa Claveria, Masbate, buwan ng Marso ng taong kasalukuyan nang simulan niya ang ganitong konsepto matapos maayos ang kanyang classroom na nasira ng bagyong Tisoy noong 2019.
"Actually po story po siya ng pagbangon. Sinalanta po kasi 'yung room ko dati ng Typhoon Tisoy. Na-turnover 'yung room namin February na this year. Nag-start ang repair niya November last year po. Different concepts din 'yung nauna kong naisip pero with the modern vintage design, it makes it unique siguro na hindi po siya typical na classroom," sabi ni Del Rosario.
Sa loob ng classroom makikita ang mga lumang gamit gaya ng typewriter at telebisyon na minana pa ni Del Rosario sa kanyang mga lolo at lola.
"Naisip ko what if i-conceptualize as modern vintage, as in bagong luma, bringing the students to the past generation since they are now in the 21st century. It will add more interests siguro to their imagination and since they are more creative nowadays, from the designs pwede silang makahugot ng inspiration din to motivate their learnings. The concept was inspired by modern vintage design with a touch of rococo art colors from the 1700," ani Del Rosario.
'Bagong-luma' ang konseptong napili ni teacher Jyrswyn Del Rosario ng Tito R. Espinosa Memorial National Agricultural School sa Claveria, Masbate para sa kanilang silid-aralan na tinawag na "classhome." Larawan mula kay Jyrswyn Del Rosario
Do-It-Yourself o DIY decor ang ilan sa mga inilagay ni Del Rosario sa kaniyang classhome gaya ng mga wall at ceiling decor at orasan. Gumamit din daw siya ng mga karton para sa wall structuring. May DIY chandelier concept din.
Bukod sa mga salamin, vase at bulaklak, nilagyan niya din ng carpet ang classhome.
"May mga binili talaga akong ibang decor from my own pocket. Ok lang gumastos kasi parang happiness din. Para sa akin kasi art is my therapy and stress reliever and passion and enjoyment na rin kasi sakin 'yung pag-design," sabi niya.
Ang modern vintage classhome ay paghahanda na rin ni Del Rosario sakaling muling ipatupad ang face-to-face classes sa susunod na school year.
- Ulat ni Karren Canon
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Classroom design, Masbate, Paaralan sa Masbate, Tagalog news, Regional news, TV Patrol