PatrolPH

Magsasaka patay matapos pagbabarilin ng tanod sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2021 02:37 PM

Patay ang isang magsasaka matapos na barilin ng isang tanod sa Barangay Bungsuan sa Dumarao, Capiz, Huwebes ng hapon.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Buenvenido Alinain, 62 anyos, matapos magtamo ng apat na tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bumibili ng gasolina ang biktima sa isang tindahan sa lugar nang dumating ang salarin at tinanong kung ano ang problema nito.

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang salarin at biktima na kapwa umano nakainom, hanggang sa nasampal ng huli ang tanod.

Bumunot ng baril ang salarin sa kanyang dalang sling bag at pinagbabaril ng apat na beses ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang salarin.

Nakuha naman sa lugar ang mga basyo ng bala na pinaniniwalaang kalibre .45 na baril. 

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad para mabatid ang motibo at mahuli na rin ang suspek.

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.