Binatilyo, sugatan sa sniper fire sa Capiz

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2020 01:09 PM

Agad na dinala sa pagamutan ang binatilyo para malapatan ng lunas ang tinamong tama ng bala sa kanang hita sa bayan ng Tapaz sa Capiz. Larawan mula sa 3rd ID ng Philippine Army

Sugatan ang isang 16-anyos na binata matapos tamaan ng sniper fire sa nangyaring engkuwentro sa Barangay Tacayan, Tapaz sa Capiz, Miyerkoles ng umaga.

Naghahanda sa pagsasagawa ng community support program ang mga sundalo ng 12th Infantry Battalion nang paputukan ng mga hinihinalang rebeldeng New People's Army. 

Kaagad namang nakaganti ng putok ang militar at tumagal ng halos 5 minuto ang bakbakan.

Tumakas ang mga rebelde sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay.

Ginagamot na ang biktimang tinamaan ng bala sa kanang hita.