4 tiklo sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2019 06:00 AM

MAYNILA—Arestado ang isang tulak ng droga at 3 runner nito sa buy-bust operation sa Barangay Pansol, Quezon City.

Ayon kay Pansol Barangay Chairman Jojo Mahusay, matagal nang target ng pulisya ang tulak na si alyas Omeng, pero lagi umano itong nakakatakas tuwing operasyon.

Bumili ang nagpanggap na buyer ng P200 halaga ng shabu mula kay Omeng. 

Nang magpositibo ang transaksiyon, pinasok ng mga operatiba ang bahay kung saan naabutan sa loob ang 3 runner ni Omeng.

Aminado si Omeng na nagbebenta siya ng droga. Dito umano niya kinukuha ang pambuhay sa kaniyang pamilya. 

Nasamsam sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.