Motorcycle riders, nagsagawa ng 'unity ride' para sa karapatan ng nagmo-motor

Kevin Manalo, ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2017 08:12 AM

MANILA - Higit 3,000 motorcycle rider ang nagtipon tipon sa People Power Monument sa Quezon City para sa kanilang tinatawag na Unity Ride, Linggo ng umaga.

Ang Unity Ride ay panawagan ng mga rider sa pamahalaan na lumikha ng batas para maprotektahan ang karapatan at kaligtasan ng mga nagmomotorsiklo.

Ilang lugar sa Rizal, Antipolo, Bulacan, Laguna at Cavite ay nagpapatupad kasi umano ng mga ordinansa na pinagbabawalan ang mga rider na magsuot ng helmet, facemask, at full face mask.

Ito ay tugon umano ng mga local government sa nasabing lugar laban sa kriminalidad sangkot ang mga riding in tandem.

Pero para sa mga rider hindi ito makatarungan lalo na at nakakahon sila sa ganitong impresyon.

Sabi ni Jobert Bolanos, volunteer sa Motorcycle Rights Organization, mamamayan din sila at dapat protektahan ng batas.

Imbis na ipagbawal ang pagsuot ng helmet at malagay pa sa peligro ang mga rider, dapat daw ay pagtibayin ang police visibility sa mga lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.