Lalaki, na-hit and run sa Pasay, patay

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2016 08:22 AM

MANILA - Patay ang isang lalaki matapos maging biktima ng hit-and-run sa tapat ng Cuneta Astrodome, sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City, Sabado ng madaling araw.

Ayon kay SPO2 Marilou Intia, imbistigador ng Pasay Traffic Sector, durog ang ulo at hindi na makilala ang biktima matapos masagasaan ng isang hindi naplakahang sasakyan ala-1:47 ng madaling araw.

Hinala pa ng pulisya, ilang beses ito umano nasagasaan matapos maiwang nakahandusay sa kalsada, base sa mga tinamong tama nito sa katawan.

Nakasuot ito ng itim na pang itaas, itim na pantalon at may sumbrero. Maliban dito, wala ng nakuhang anumang impormasyon sa pagkakakilanlan ng biktima.