Bangkay ng lalaki, natagpuan sa Pampanga

Pauline Manalo, ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2016 11:52 AM

PAMPANGA - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng awtoridad Sabado ng madaling araw sa Bacolor, Pampanga.

Nakilala ang biktima na si Sedrick Bonifacio, tinatayang nasa 30-35 taong gulang at taga-Barangay Sto. Rosario sa San Fernando.

Natagpuan ang bangkay ni Bonifacio sa damuhan ng mega dike ng Porac-Bacolor Road sa Barangay Maliwalu.

May karatula pang may nakasulat na "Rapist na, tulak pa ko, gayahin nyo ko!" ang iniwan sa tabi ng bangkay ng biktima.

Tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang narekober din ng awtoridad mula sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, pagsakal ang naging sanhi ng pagkamatay ni Bonifacio.