2 bangkay na isinilid sa kahon, natagpuan sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2016 09:01 AM

MANILA – Dalawang bangkay ng hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Maynila nitong Sabado ng umaga.

Unang natagpuan ang bangkay ng isang lalakinsa may Bonifacio Drive sa Port Area.

Nakasilid sa kahon ang bangkay at binalutan din ng packaging tape ang biktima.

Isang tambay ang nakakita sa kahina-hinalang kahon kaya ipinagbigay alam niya ito sa mga gwardya sa Intramuros, na sila namang tumawag sa pulis.

Samantala, sa gilid naman ng Metropolitan Theater natagpuan ang ikawalang biktima ng summary execution.

Tulad ng naunang biktima, nakasilid din ang bangkay sa isang kahon.

May nakasulat pa sa kahon na "Pusher-holdaper ako, huwag tularan".

Nakagapos din ang mga kamay ng biktima at binalutan din ng packaging tape ang mukha nito.

Ang biktima ay naka-pulang t-shirt at checkered na shorts.

Wala pa rin makitang pagkakakilanlan ang mga pulis sa dalawang biktima. Zhander Cayabyab, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.