PatrolPH

Magkakaibigan tinamaan ng kidlat habang nagba-bonding

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2022 10:42 PM | Updated as of Jul 08 2022 10:43 PM

Watch more News on iWantTFC

Video mula kay James Hardhie

Ang masaya sanang bonding ng magkakaibigan ay nauwi sa katatakutan nang bigla silang tamaan ng kidlat sa labas ng bahay sa Angeles City, Pampanga noong Hunyo 9. 

Kuwento ni James Hardhie, habang kumakanta siya, biglang lumakas ang ulan at kumidlat.

Ang boltahe ng kidlat ay kumalat at dumampi umano sa balat nilang magkakaibigan.

Namatay pa umano ang cellphone na ginamit sa pagvi-video.

Suwerte namang walang napuruhan sa kanila.

Kabado man sila pagkatapos ng insidente, itinuloy pa rin nila ang kanilang bonding.

— Ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.