PatrolPH

Tindahan ng gasolina nasunog sa Biliran

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2021 09:31 PM

CAIBIRAN, Biliran - Natupok ng apoy ang isang bahay matapos na masunog pasado alas-9 ng umaga Huwebes sa Barangay Manlabang, Caibiran, Biliran.

Dahil sa gawa sa kahoy ang bahay, madali itong naabo. Alas-10 ng umaga ng maapula ang sunog.

Ang bahay pagmamay-ari ng pamilya Japay. Wala namang nasaktan sa pangyayari .

Pero napag-alaman na ang bahay na nasunog ay nagbebenta ng gasolina. Hindi pa malaman ang naging danyos sa sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon na isinsagawa ng bombero sa Caibira.

- ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.