PatrolPH

Ginagamit pamboso? Ball mirrors sa mga tricycle sa Panabo kinumpiska

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2021 02:07 AM

PANABO CITY—Kinumpiska ng traffic management unit ang 59 piraso ng round ball mirror sa mga tricycle sa lungsod na ito sa Davao del Norte nitong Martes.

Ito'y matapos nagreklamo ang isang babaeng pasaherong nahuli niya umano ang driver ng sinasakyang tricycle na nakatingin sa ball mirror na nakaharap sa pribadong parte ng kanyang katawan.

Ayon sa team leader ng traffic management unit na si Alvin Ybañez, agad nilang inaksyonan ang reklamo sa pamamagitan ng pagkumpiska sa mga ball mirror na nasa bandang dashboard ng mga tricycle. 

Pero wala pang impormasyon kung ano ang naging kinahinatnan ng inireklamong driver. 

Panawagan ng TMU sa mga tricycle driver na kusa nang tanggalin ang kanilang mga ball mirror. —Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.