PatrolPH

Ceremonial vaccination ng tourism frontliners, isinagawa sa Boracay

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2021 01:40 AM

Ceremonial vaccination ng tourism frontliners, isinagawa sa Boracay 1
Isinagawa ang ceremonial vaccination ng mga tourism frontliners sa isla ng Boracay. Larawan mula sa Department of Health Western Visayas.

Pinangunahan nina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat at National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon ang ceremonial vaccination ng mga tourism frontliner sa isla ng Boracay Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Puyat, target ng ahensya na mabakunahan ang nasa 3,000 tourism frontliners ngayong linggo at makompletong mabakunahan ngayong buwan ang 17,000 na tourism frontliners sa Boracay para muling makabangon ang industriya ng turismo sa lalawigan.

Matatandaang tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Malay ang 3,000 doses ng Sinovac nitong Sabado na donasyon ng Department of Tourism. — Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.