PatrolPH

Bata nahagip ng bus matapos niya umano itong batuhin

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2021 07:44 PM

MAYNILA — Patay ang isang bata nitong Huwebes matapos masagasaan ng bus sa EDSA carousel sa pagitan ng MRT Santolan at Ortigas station.

Ayon sa mga saksi, bandang alas-8:30 ng umaga habang binabaybay ng nasabing bus ang pa-norte na parte ng carousel ay may isang bata na bigla umanong nambato.

Nagsanhi ito ng bahagyang pagkabasag sa kaliwang parte ng windshield ng bus. 

Akmang tatakbo palayo na ang nasabing bata nang siya ay tumalon palabas ng carousel pero hindi niya naiwasan ang umaandar na bus kaya nahagip ito.

Tumigil naman ang nasabing bus at tumawag ng tulong.

Hindi na umabot nang buhay ang bata sa pagamutan.

Sa ngayon ay kasama at nakikipagtulungan sa mga awtoridad ang driver ng nasabing bus.

Wala namang naiulat na iba pang nasaktan sa aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.