PatrolPH

Mangingisda nawawala matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa N.Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2020 11:34 PM | Updated as of Jul 09 2020 12:22 AM

Mangingisda nawawala matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa N.Occidental 1
Hinahanap ng Philippine Coast Guard ang isang mangingisda na nawala matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Ilog, Negros Occidental. Kuha ng Philippine Coast Guard

Nawawala ang isang mangingisda matapos tumaob ang kaniyang sinasakyang bangka sa kaniyang pangingisda sa bayan ng Ilog, Negros Occidental Martes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard, nahagip ng bangka ng magkapatid na Isagani at Ivar Avansenia ang fishing line ng mga ito kaya't tumaob ito sa baybayin sakop ng Barangay 1.

May dumaan na isang fishing boat at naligtas si Ivar na nakakapit sa tumaob na bangka pero hanggang sa ngayon, nawawala pa rin ang nakababatang kapatid.

Patuloy pa ang search and rescue operation ng Coast Guard para sa mangingisda.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.