PatrolPH

Love triangle? Babae timbog sa brutal na pagpatay sa driver sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2020 07:26 PM

Love triangle? Babae timbog sa brutal na pagpatay sa driver sa Laguna 1
Hawak na ng pulisya noong Martes ang isa sa mga suspek sa brutal na pagpatay sa isang lady driver sa Calamba, Laguna noong Hunyo 28. Retrato mula sa Calamba police

MAYNILA — Hawak na ng pulisya noong Martes ang isa sa mga suspek sa brutal na pagpatay sa isang lady driver sa Calamba, Laguna noong Hunyo 28.

Sabi sa Teleradyo ni Police Lt. Col Gene Licud, hepe ng Calamba police, naaresto si Ann Shiela Montes Belarmino matapos matukoy sa CCTV footage na narekober ng mga awtoridad.
    
May mga testigo rin aniyang nagsabing isa si Belarmino sa mga sumakay sa kotse ng biktimang si Jingle Lucero, 34, nang gabing matagpuan itong patay.
    
Ayon kay Licud, nakita rin sa CCTV ang iba pang mga suspek kaya umaasa silang maaaresto na rin ang mga ito. Batay sa imbestigasyon, posibleng nasa 5 ang suspek sa brutal na pagpatay.

Sabi ni Licud, sa 52 saksak na tinamo ni Lucero, hindi aniya lahat ay fatal wounds at karamihan ay superficial at defense wounds.

Ilan sa mga anggulong tinitingnan ng pulisya sa krimen ay love triangle. 

"Sa ngayon po yung sinasabi po kasi na love triangle ay hindi pa rin po natin tinatanggal yon at yun pong sinasabing hatred o kaya'y revenge ay pumapasok po dito sa ating anggulo bilang kasama po sa motive," ani Licud. 

—May ulat ni April Magpantay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.