Furniture shop nasunog sa Caloocan; bahay nadamay din

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2020 06:04 AM | Updated as of Jul 08 2020 07:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sumiklab ang isang furniture shop at nadamay ang isang bahay sa Barangay 175, Camarin, Caloocan Martes ng gabi.

Puro lumang kahoy ang laman ng pagawaan ng furniture kaya naging malakas ang apoy.

Wala naman sa loob ang dalawang trabahador nito nang mangyari ang sunog.

Ang furniture shop ay pagmamay-ari ni Bernardo Quiboy, na chairman ng Brgy. 181. Kwento niya, tinawagan lang siya ng kaniyang mga tauhan kaya mabilis siyang tumawag ng bumbero.

Ipinagtataka niya kung bakit mabilis ang pagkalat ng apoy kahit na sa labas na bahagi ito nagsimula.

Isang bahay din ang partially damaged dahil sa sunog.

Nasira ang bubong ng bahay ni "Aling Jocelyn" dahil umakyat dito ang mga tao para lumikas.

Wala namang naitalang nasaktan o namatay sa insidente.

Ayon sa fire marshall ng Caloocan na si FSupt. Aristotle Bañaga, nasa P500,000 ang halaga ng structural damage.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.