PatrolPH

'Fallen hero': 1 sa 4 sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo inilibing na sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2020 06:52 PM

'Fallen hero': 1 sa 4 sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo inilibing na sa Kalinga 1
'Fallen hero': 1 sa 4 sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo inilibing na sa Kalinga 2
'Fallen hero': 1 sa 4 sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo inilibing na sa Kalinga 3
'Fallen hero': 1 sa 4 sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo inilibing na sa Kalinga 4
'Fallen hero': 1 sa 4 sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo inilibing na sa Kalinga 5
'Fallen hero': 1 sa 4 sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo inilibing na sa Kalinga 6

Courtesy of Tabuk Life

Courtesy of Tabuk Life

Courtesy of Tabuk Life

Courtesy of Tabuk Life

Courtesy of Tabuk Life

Courtesy of Tabuk Life

Naihatid na sa kaniyang huling hantungan si Maj. Marvin Indammog nitong Miyerkoles, isa sa 4 sundalong napatay ng pulis sa isang checkpoint sa Jolo, Sulu noong nakaraang linggo. 

Ang mga labi ni Indammog, na mula sa Mandala Class of 2006 ng Philippine Military Academy at dating nagsilbi sa Scout Rangers ng Philippine Army, ay unang dinala sa St. William’s Cathedral. 

Sa kaniyang libing sa Ipil, Tabuk City sa Kalinga, ginawaran ng military honors ang sundalo. Nagbigay-pugay din ang motorcycle riders sa highway nang dumaan ang funeral procession ni Indammog, na tinaguriang "fallen hero" ng mga kababayan. 

Sa puntod, binigyan ng huling saludo ng mga kapwa sundalo si Indammog, at isang helicopter naman ang nagbuhos ng confetti mula sa himpapawid. 

Hiling muli ng mga kaanak, kaibigan at kababayan ang hustisya para sa pagkamatay ng sundalo. 

Ayon naman kay Kalinga Gov. Ferdinand Tubban, handa siyang magpaabot ng tulong sa naulilang pamilya. 

Noong Hulyo 3 dinala pauwi sa kaniyang kinalakihang bayan ng Tanudan sa Kalinga ang mga labi ni Indammog sa pamamagitan ng military chopper. 

Sa paglapag, binigyang parangal ang sundalo habang sinalubong naman ng lungkot ng mga kaanak. 

Si Indammog ang namuno sa grupo ng 4 na intelligence operatives ng Philippine Army na napatay ng pulisya sa Jolo noong Hunyo 29 habang tinutugis ang 2 miyembro ng teroristang Abu Sayyaf group. 

Ayon sa pulisya, tinangkang tumakas ng grupo nang pigilan sa checkpoint at bumunot umano ng baril nang makaharap nila. Dito na umano nagpaputok ang mga pulis. 

Ikinagalit naman ng Philippine Army ang insidente, at itinuturing itong "murder" at "rubout." Anila, sumunod ang mga sundalo nang patigilin sa checkpoint ngunit pinaputukan pa rin umano ng mga pulis. 

Iniimbestigahan na ang insidente. Namagitan na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa iringan sa gitna ng pulisya at militar dulot ng nangyari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.