2 pari galing Metro Manila nagpositibo sa COVID-19 sa Iloilo City

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2020 05:43 AM

Dalawang pari na dumating sa Iloilo City mula Metro Manila ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Health-Region 6 nitong Martes.

Ayon kay Dr. Jessie Glen Alonsabe ng DOH-6, noong nakaraang linggo pa nasama sa listahan ng positive cases ang dalawang pari.

Kinumpirma ni Father Angelo Colada, spokesperson ng Archdiocese of Jaro na dalawang religious priest na dumating sa Iloilo mula Metro Manila noong nakaraang Linggo ang nag positibo sa COVID-19.

Nitong hapon lang kinumpirma rin ni ang naturang impormasyon. Ayon sa kanya noong nakaraang linggo pa nasama sa listahan ng positive cases ang dalawang pari.

Nilinaw ni Fr. Angelo Colada, spokesperson ng Archdiocese of Jaro, na hindi taga-Western Visayas ang mga pari, at dinestino sila sa Iloilo para magsilbi bilang religious priest ng komunidad. 

Dahil hindi pa nakapag-courtesy call sa archdiocese ang mga pari, naging malaking hamon ang pagtulong sa mga ito, ayon kay Colada.

Dagdag niya, nagpa RT-PCR test naman ang mga pari bago umalis ng Metro Manila at nag-negatibo sa COVID-19, pero pagdating sa Iloilo, nalamang nagpositibo sila sa sakit matapos ang isang pang test.

Patuloy na nakikipag ugnayan ang archdiocese sa mga pari para matulungan sila sa kanilang mga pangangailangan habang naka facility quarantine.

Asymptomatic naman ang dalawang pari, ayon kay Colada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.