Pulis na nagwala sa tindahan sinibak

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2019 07:43 AM

MAYNILA- Sinibak na sa puwesto ang pulis na nag-viral matapos magwala nang masingitan umano ng isang lalaki sa pila sa tindahan.

Iniimbestigahan na si Senior Master Sgt. Arnulfo Ardales matapos ireklamo ni Aaron Estrada dahil sa pananakot at pambabastos, ayon kay Metro Manila Police Office director Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

"I assure you that we will investigate this," ani Eleazar kay Estrada noong Linggo.

Watch more in iWantTFC

Sa viral video, makikita si Ardales na tinatakot si Estrada dahil umano sa pambabastos matapos masingitan ang pulis sa pila sa tindahan.

Agad naman na umalis si Ardales sa tindahan matapos humingi ng paumanhin.

Siniguro naman ni Eleazar na bibigyan ng pagkakataon si Ardales na magpaliwanag ukol sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.