PatrolPH

P100K pabuya alok sa makapagtuturo sa pumatay sa grade 7 student

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2019 04:49 PM | Updated as of Jul 08 2019 05:34 PM

MAYNILA- Magbibigay ng P100,000 pabuya si Laguna Governor Ramil Hernandez para sa makakapagturo kung sino ang pumatay sa grade 7 na lalaki na pinaslang sa loob pa ng paaralan sa Calamba.

Binaril ng 2 beses sa loob ng paaralan ang 15-anyos na estudyante noong nakaraang Huwebes.

Hinihinala ng pamilya ng biktima na isang Renando Valderama ang gumawa ng krimen dahil kinasuhan umano ng biktima ang suspek ng sexual abuse 2 araw bago ang insidente.

Ayon sa affidavit, hinalay umano ng suspek ang biktima mula Marso hanggang Hunyo.

Hindi naman itinanggi ng pamilya ng biktima ang relasyon ng 2 at nangako naman daw ang suspek na tutulungan sa pag-aaral ang biktima.

Pero noong nakaraang buwan, nakipaghiwalay na raw ang biktima kay Valderama.

Dati nang nakulong noong 2017 ang suspek dahil sa kasong theft at natuklasan din ng mga pulis na gumagamit ang suspek ng iba't ibang pangalan at address.

- May ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.