2 sugatan matapos araruhin ng trak ang mga puno sa C5

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2019 08:37 AM

Inararo ng isang 10-wheeler na trak ang mga puno sa center island ng C5 southbound, Hulyo 8, 2019. Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

MAYNILA- Sugatan ang drayber at pahinante ng 10-wheeler na trak matapos nitong araruhin ang mga puno sa island ng C5 patungong Julia Vargas sa Pasig nitong Lunes ng umaga.

Nawalan umano ng preno ang trak kaya ito sumalpok sa center island ng kalsada ayon sa drayber na si Vicente Mata.

Wala namang nadamay na ibang sasakyan sa insidente ngunit nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko ang pagtatanggal ng trak.

-ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.