13 Abu Sayyaf sumuko sa Sulu

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2018 01:11 PM

TALIPAO, Sulu - Sumuko ang 13 bandidong Abu Sayyaf sa mga awtoridad sa bayan na ito, kinumpirma ng militar ngayong Linggo. 

Ayon sa Western Mindanao Command, dala ng grupo ang ilang matataas na kalibre ng baril nang sumuko nitong Sabado kay Lt. Col. Jessie Montoya, kumander ng Second Special Forces Battalion ng militar. 
 
Makakatanggap ng support packages ang mga dating bandido, sabi ni Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Divino Rey Pabayo. 

Notoryus ang Abu Sayyaf sa pagdukot ng mga banyaga at Pilipino. Ilang bihag na ang pinugutan nila ng ulo matapos mabigong magbayad ng ransom, kabilang na ang isang German nitong nakaraang taon, gayundin ang 2 Canadian noong 2016. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.